Nang Pumatak Ang Luha, Nasulat Ay Tula Poem by Paul Pruel

Nang Pumatak Ang Luha, Nasulat Ay Tula

Sinikap kong iwaksi sa aking isip
Ang tunay kong damdamin nguni’t nanaig
Lakas niya’y humulagpos at gumaod
Palayo - patungo sa gitna ng laot…

Karagatan ng iba’t-ibang imosyon
Mga sigaw – hanap ay ang katotohanan
Matang lumuluha, hiling ay pagbigyan
Ilabas ang tama, dasal ay pakinggan…

Halos mabingi ako sa’king narinig
Mga mata ko’y lumuwa sa’king nasilip
Ako’y lito. Kanino ako papanig?
Sila kaya ay nagsasabi ng tapat?

Bilang manggagawa sa ibayong dagat
Milya man ang layo ako ay tatawid
Maglalayag dala ang pape’t panulat
Isusulat ko lahat ang nagaganap…

Himig tula ang kuwento nilang lahat
Kurido ng pangamba at pighati
Sa bawat puso’y laging magugunita
Tulang nasulat nang pumatak ang luha!

COMMENTS OF THE POEM
Ency Bearis 05 August 2008

nicely written imagery of thoughts in confusion..awaken to the truth... the journey of emotion verses written in tears...great write...maybe if you translated this in English is a very good and deep poem (just a suggestion) ... Best Wishes, Ency Bearis

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success