Mi Ultimo Adios Poem by rhona fabi

Mi Ultimo Adios

Sa paanong paraan nga ba matatapos
ang bawat mga nagumpisang unos
na dumating sa buhay kahit 'di utos?
Ito'ng para sa ati'y ituos
na kailangan nating tanggapin na lubos.

Ako na lumaban para sa bansang kinamulatan
ngayon ay kaharap ng aking sulatan.
Nagiisip kung pa'no ba uumpisahan
itong obra kong kahulihan
na laan sa bayan at mga mamamayan

Sa aking bayan uumpisahan,
nais kong ikaw ay pasalamatan
ditong ako'y natauhan
sa katotohanan sa likod ng bawat kalupitan
ng mga banyaga sa mamamayan.

Sa iyo'y aking ibibigay
ang mga obra't aking buhay.
Dahil sayo ang aking buhay ay makulay
ikaw rin mismo ang humubog ng aking husay
kaya't sayo buhay ko'y iaalay.

Sa kabataan aking ipapaabot
sa kahit kanino'y h'wag matatakot.
Isipin kung paano mo ba maaabot
pangarap mong nalulugar duon sa tuktok
sa likod ng lahat ng mga pagsubok.

Sa iyo ama, ina at kapatid,
pasasalamat ang gusto kong ihatid.
Kung ang pagpanaw ay diko batid,
sana ang paglipas ng panaho'y maging lingid
sa mga mata kong may luhang nangilid.

Ako'y tahimik na nagdamdam
na dapat na akong mamaalam.
Ang kamatayang nasa agam-agam
hindi ko iyon inasam.
Masakit man sa aki'y, paalam!

Copyright © 2009 by Ronalyn 'Rhona' T. Fabi
(An original poem written on the 30th day of June 2009 at 10: 13 pm. This is made for a requirement to submit my own version of Mi Ultimo Adios for my subject 'Philippine Literature'.)

(This literary piece is govern with the rights of the author. Anyone who wants to use this poem should first ask the author or contact at reiyuucy_26@yahoo.com)

COMMENTS OF THE POEM
Prince Obed de la Cruz 05 October 2009

ooh i see. Ate rona umaasenso na mga tula natin!

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success