Kasinungalingan Lang Pala Poem by Bernadette Camara

Kasinungalingan Lang Pala

Lahat ng sinabi mo ay pinaniwalaan,
nagtiwala sayo ang puso ko.
lahat ng sinasabi mo ay nagiging masaya ako,
bakit ang lahat ng ito ay kasinungalingan pla.

aalis knlng at biglang mawawala
hindi na nagpakita, pagkatapos ng ginawa
ako'y parang isang laruan lng na basta iniwan.
lahat ng sakit ay tiniis,
na dulot ng iyong mga kasinungalingan.

ako'y nagtiwala, at naging tanga.
pagmamahal parin ba ang pagiging tanga ko, ? ? ?
kung oo ay sabihin mo sa akin.
ngunit alam kong nagmahal lng ang puso ko.
hindi maiiwasang masaktan ng ganito.

lahat ng ito ay iginuhit na ng tadhana.
sadya talagang mapaglaro ang tadhana,
dalawang taong pinagtagpo nito.
dalawang taong nagsalo
sa pagmamahalang d inaasahang
magiging kasinungalingan.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success