Marites C. Cayetano

Freshman - 518 Points (Philippines)

Kapit Ka - Poem by Marites C. Cayetano

Along pabalik sa dagat
kanyang lakas di mo kayang talunin
sa kahit na anong kaya mong makapitan
kapit ka
kung iyan lang ang tanging daan
upang ika'y di matangay.

Banging nakakalula
kanyang taas tiyak ang iyong kamatayan kapag ika'y bumagsak
sa kahit na anong kaya mong makapitan
kapit ka
kung iyan lang ang tanging daan
upang ika'y di bumagsak.

Kapit ka
kapit ka...
huwag kang bibitaw
kahit na ba sa pispis kong mga bisig
kung ito lang ang tanging daan
upang ika'y mabuhay.


Comments about Kapit Ka by Marites C. Cayetano

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Tuesday, January 28, 2014

Poem Edited: Tuesday, January 28, 2014


[Hata Bildir]