Iniisip ko pa rin
Kung paano tayo nag-umpisa
Kung paano tayo natapos
At lahat ng nasa gitna.
Iniisip ko pa rin
Kung paanong minsan ang pag-ibig
Ako'y lubusang napaligaya
Ngunit sa huli'y masasaktan din pala
Iniisip ko pa rin
Lahat ng dahilan
Kung bakit ako'y iyong iniwan
At wala nang plano pang balikan
Iniisip ko pa rin
Kung masaya ka na ba
Masaya ka na nga ba,
Sa piling ng iba?
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem