Ikot Ng Buhay Poem by Lance Abellon

Ikot Ng Buhay

Gumigising ka sa umagang naghihintay na dumaan,
bawat hikab mo'y tila simula ng isang sapalaran


Humihigop ka ng kape kasama ang pamilya sa hapag
Habang patuloy ang pag-andar ng oras patungong magdamag


Kumakayod kang kalabaw, upang may maipakain sa pamilya
suot-suot mo ang sapatos at damit at nilalakad ang ilang milya


Sa bawat paghakbang ay unti-unting itinatayo,
ang mga pangarap na nais mong mabuo, ng buo


Na balang araw ay makakamit
sa sandaling malaking isda ang mabingwit.


Nilalakad mo ang lansangang bising bisi sa pagpunta sa paroroonan,
habang sumusuong sila sa dagat ng sasakyang nagkalat sa lansangan


Bumubusina silang nagmamadaling mapuntahan ang paroroonan,
nagmamadaling makaalis sa gitna ng mabagal na usad ng trapikong
nakakapikong larong hindi patakbo ang pagsulong


Dapithapon na at ikaw ay nagutom sa gitna ng daan,
inaasahang magkakalaman ang sikmurang nagmamakaawang malagyan,


Napatigil ka sa isang turo-turo
at tinuturo ang nais mong malasap na luto


At malapit nang sumilip ang gabi
at ikaw ay pauwi na galing sa isang mahabang araw na may baong pag-asang nakakubli


Sa sandaling mahiga ka sa kama, ay isang araw ang lumipas
at mahihimbing ka na namang muli,


mahihimbing, magigising,


muli.


Abellon

07 Agosto 2015

Tuesday, January 5, 2016
Topic(s) of this poem: experience
COMMENTS OF THE POEM
Manonton Dalan 05 January 2016

husay ang pagkahabi...hehehhehehe kaya sa ibang tula may mga busina ng sasakyan sa pinas pala.... maayo bhai

1 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success