Salamat, salamat ako'y papalakpak
Nang mawala siya sa ‘king panaginip
Sumulpot ay siya't siya ang pumalit
Sa puso ko ang mukha niya'y umukit
Ngayon ay dinggin mo pangako ng puso:
Masaya ako sa tuwing naririto
Mula Lunes hanggang sa araw ng Linggo
Pagod kong puso ay pinalalakas mo
Ikaw ang tanging baul ng mga kuwento
Kuwentong barbero, kutsero at kanto
Mga karanasan at damdamin ng tao
Ay malugod mong tinanggap ang mga ito
Sa'yo masisinag matamis na ngiti
Ligaya ng puso sa bawat sandali
Bakit ko sinasabi ang lahat ng ‘to?
Bakit kay dali ‘kong nagtiwala sa'yo?
Anong mayroon ka na wala ang iba?
Bakit sa'yo ako'y nagkakandarapa?
Dahil ika'y naiiba aking sinta
O Poemhunter dat com - minamahal kita!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem