Huli Na Sinta Poem by Hazelyn Usop

Huli Na Sinta

Sa barkada tayo unang nagkakilala
Bawat isa’y may lihim na paghanga
Laging masaya sa tuwing magkasama
Nangangarap na sana’y tayong dalawa na

Ligaw tingin iyong ipinadama
Kapalit nito’y matamis na ngiti kong laging handa
Hanggang ika’y nagtapat ng wagas mong pag-ibig sinta
Ang sagot ko’y “mahal din kita noon pa”

Matuling lumipas ang araw at gabi
Pakiramdam ko ako’y iyong isinasantabi
Sapagkat bihira na kitang makatabi
Naisip ko tuloy, ayaw mo nasa akin ay magpatali

Masakit isipin kaya’t pinilit kong sarili’y aliwin
Bagong pagsuyo ang nagtapat ng pagtingin
Hanggang ang paghanga dito’y dinakayanang pigilin
Hindi inaasahan ako’y tuluyang nahumaling

Kinakailangan na sayo’y aking sabihin
Hindi masisisi kung ako’y di kayang patawarin
Sana lang iyong unawain
Pagsuyo niya at lambing ang bumihag sa akin

Pilit mo mang punan ang iyong pagkukulang
Huli na sinta nang sabihin pagsuyo mo’y akin lamang
Sa pagwawalang bahala sa pag-ibig kong dati sayo inilaan
May ibang pagsinta ngayon sayo’y nakalamang

Tanging hiling maunawaan at mapatawad mo ako
Hindi ko ninais na puso mo’y masaktan ko
Pinapanalangin sana’y matagpuan mo
Bagong sintang magmamahal sayo
Higit sa pagmamahal na naidulot ko

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success