Nakaraan tila ba kailan lang
Pilitin man kalimutan
Parang hangin kung magparamdam
Iwasan mangisipin
Kinailangan satwina'y lalanghapin
Kung alalahanin ay puno ng sakit
Di maiwaglit sa isip nagdaang pag-ibig
Madalas puno ng pighati
Dahilan kung bakit napapahikbi
Ngunit may oras ding biglang napapangiti
Naging parte ng puso at isipan
Naging dahilan ng kalungkutan at kaligayahan
Nagbigay ng babala at karanasan
Naglinang sabuong katauhan at
Nagpatibay bilang isang nilalang
Nakaraan ay pahalagaan
Naging bunga ang kasalukuyan
Maasahan sa kinabukasan
Masama o magandang nagdaan
Pasasalamatan ng may sapat na dahilan
The past is instrumental on who we are today and what we have become. Inspiring poem 10
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Such a well penned Filipino poem.....10+++++