Dahon At Hangin Poem by Alnaver Baltazar

Dahon At Hangin

Maraming dahon
ang nagpapatangay sa hangin,

Ngunit hindi ka
nabibilang sa kanila.


Maraming tao
ang mataas ang ekspektasyon,

Ngunit ikaw ay
isa sa mga dahong nasa lupa.


Malaon man sa
paglipas ng panahon…

Marahil isa ka nang tuyot na dahon,
patuloy kang nakahalik at
nakababa sa lupa.


Ngunit hindi ka katulad ng mga
dahong nagpapatangay,
Walang mga silbi
kundi gamitin ang hangin.

Kahit tuyot ka na…
magsisilbi kang pataba

Kahit wala ka na,
mananatiling buhay pa.

Maraming dahon ang
nagpapatangay sa hangin…

Ngunit hindi ka
nabibilang sa kanila…

Source:
http: //lovelifepoems.wordpress.com/2011/08/04/dahon-at-hangin/

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Alnaver Baltazar

Alnaver Baltazar

Manila, Philippines
Close
Error Success