Bayan Kilos Na Poem by MKGF ...

Bayan Kilos Na

Rating: 5.0


'Sang lugar sa dakong silangan,
Kinukubli ng kayamanan;
Itim na puso sa sisidlan,
Pinalaganap at binuksan.

Buong madla, nabighani
Sa rikit ng bahaghari,
'Sang misteryong kapa,
nakayakap sa 'ting mga mata.

Katotohanan nahan ka?
Bayan ko'y lumuluha.
Katarunga'y nawawala,
Tangay ng hanging ginto ang dala.

Mga aral na inihabilin
Ng mga ninunong nakipaglaban;
Pag-ibig sa bayan...iniwan,
Nang dahil sa Bulag na Katotohanan.

Mga Dakilang bayani'y lumuluha,
Buhay na isinugal, napasawalambahala.
Nang dahil sa mga pinunong dalawa ang mukha,
Natangay... Pagkakaisa ng ating bansa.

Lumaban ka Bansang iniirog!
Bawat araw, mayroong pag-asa.
Maglakbay sa kadulu-duluhan ng bawat puso,
Katarunga'y naroon pa!

Tipunin bawat bayani,
Imulat, mga sarili;
Katarunga'y di bulag,
Nasa atin... Kalayaan ng bansang Binihag.

COMMENTS OF THE POEM
Ency Bearis 14 January 2009

very nice..great patriotic write and penned well..10

0 0 Reply
Estrella Baldemosa 26 May 2008

napakagaling ng sulat mo... Sa paanong paraan kapatid? kailangan ba ang himagsikan? o di kaya ang sukdulang pagbabago ay dapat magsimula sa kalagitnaan ng ating puso kung di tayo ay mga langkay lang ng mga pagdadaing...keep on penning. salamat

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success