Basta'T Kapiling Ka Poem by Noel A Medina

Basta'T Kapiling Ka



Ang buhay ko’y sadyang sa ‘yo.
Pagkat giliw ikaw lamang.
Ang tangi kong sinisinta,
Sinasamba’t pinakamamahal.

Sa tuwing ako’y nag-iisa,
Dalangin ay kapiling ka.
At kahit kailan ma’y di nalayo.
Pagkat sa puso ko ay walang iba.

Sa pagtulog ko, sa tuwing panaginip kita.
Ikaw, kasama’t kapiling sa pangarap hanggang hanggan.
At kahit na (aking) sinta,
Kung puso ko’y tanggap mo na.
Sana’y (mga) pangarap ko’y tuloyan ng nasimulan.

Mga ala-alang naipon ng panahon,
Dulot ay tamis nitong buhay ko ngayon.
Ngunit hindi na kailangan ang ala-ala pa,
Pagkat sa buhay ko’y kapiling ka.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success