Basagin ang inyong itlog
Sa umagang mahamog
Gutom ka na ba!
Tara na't Tsumibog
Tapa, Sinangag at itlog
Sarap kumain ng TAPSILOG
Longganisa, Sinangag at Itlog
Mabubusog ka sa LONGSILOG
Pandesal, Kape at itlog
In short yan ay PAKAPLOG
Hotdog, Sinangag at Itlog
Yan naman ang HOTSILOG
Samahan mo ng lugaw ang itlog
Ang tawag naman ay LUGLOG
Chicken, Sinangag at itlog
Ang favorite mong CHICKSILOG
At kung bitin ka pa
Heto banatan mo sa umaga
Maalat na itlog, Pakbet at Lugaw
Yan naman ang MAALOG na BETLUG
Masasarap na almusal gamit ang itlog
Ang sa inyo'y aking inihahandog
Tara na kumain at mabusog
Umpisahan na ang Basagan ng Itlog!
*BOW*
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem