To my non-tagalog speaking friends, this poem is about being stubborn, no direction, learning to accept mistakes, forgiveness, understanding and humility
Title: How Are We Now?
ANO NA TAYO?
Away bati, Lagi na lang
Sa umaga, Sa tanghali
Sa gabi, sa lahat ng oras
Sa inis ay di mapakali.
Nuong magkasama tayo
Parang walang katapusan
Ang mundo ko umikot sayo
Parang bula, Ikaw ay naglaho.
Nagkalayo ng landas
Namuhay mag-isa
Lahat sinubukan
Oras ay di alintana.
May bukas pa bang hihintayin
Kakayanin pa ba nating buuin
Mga pangarap na hinabi natin
Kahit durog na ang damdamin.
Titig mo'y tagos sa puso
Dama ko ang lungkot
E anong gagawin ko
Ayaw mong makipagayos.
Puro ka kimkim
Ng iyong saloobin
E saan ka pupulutin
Isipan mo'y laging bitin.
Hay, kung lagi kang ganyan
Tayo muna'y maghiwalay
Ng sa gayun mapagisipan
Ang tamang hakbang at gabay.
Lipas na ba ang tampo mo?
Halika at mag-usap tayo
Alamin mo ang mali sa tama
Upang matutong magpakumbaba.
Alright, yan po ang ating tula na binigyang -daan sa ating post this time, sanay ay may natutunan po kayo sa aking munting mensahe sa tulang aking kinatha.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem