Ang Buhay Mo Poem by perfecto pacheco

Ang Buhay Mo

Mundo mo ay nag-iisa, hanap sila
Ang dati mong kaibigan, unti unting nawawala
Gusto mo lang nasa tabi, bakit wala
Senyales ng katapatan, naging bula

Kapalaran natin, sadyang di pa alam
Kusang umaandar, hindi naman natin mapigilan
Ang buhay umiikot, parang bola
Deretso lang sa buhay na inaasam

Tibayan ang damdamin ng pusong aba
Kapag lungkot ang nadarama, hanapin lang ang pag-asa
Buhay natin kasama ang lungkot saya
Isipin mong handa kana, lumaban ka

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success