Pasasalamat Poem by perfecto pacheco

Pasasalamat

Sa simula pa lamang na aking pagbubukas,
Nakaramdam na ako ng matiwasay na pagtanggap
Ginoong Pacifico, salamat po sa pagmulat
Sa di sinasadya ay pareho pala tayo ng hinahanap

Sa mga ka-miyembro na matagal ng sumusulat
Nawa'y akoy inyong tanggapin ng lubos at ganap
Ang tanging layunin ko muna sa pinakaunang panulat
Na mahandugan muna kayo ng malaking pasasalamat

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success