Alitaptap` Poem by Ocean MisT

Alitaptap`

Abot tanaw na yaring dulo ng wakas
Sa kinatindigan aking nabanaag
Mula sa malayo masdan ang liwanag
Nang sa aking pagsapit higanteng ahas!

Laksa-laksang galak nilunok ng gulat
Libo-libong pag-asa naglahong lahat
Pumasok sa kawalan di makatakas
Sa lusak nitong palad ako’y nasadlak

Munting alitaptap aking napagpansin
Naghahanap kung may mata pang titingin
Munting ningning mula sa lalim ng dilim
Palimos ng habag pantugon sa daing.

Siya’y kumislap at binagtas ang landas
Upang saki’y ituro ang daang ligtas
Di tulad ng mapanlinlang na liwanag
Tinulak ako sa banging walang bukas.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success