Untitled Poem by Kc Cabauatan

Untitled

ilang mundo pa ang tatahakin,
upang iparating sa iyo ang mga nais ng aking damdamin?

sa unang sulyap pa lang, ako'y nahulog na sa yo.
umiiwas na sana sa pag-ibig, pero sa kalauna'y na bigo.
bakit sumiklab ulit ang baga na sana'y lumalaho?
pinalago mo muli ang natutuyo kong puso.

gusto na kita, bago man tayo unang nagkakilala.
unting-unti, ang loob ko'y napupuno ng pag-sinta.
kahit na isang sulyap mo lang, ako'y nahahalina.
mga hinanakit ko noon, unti-unting nawawala.
di mo lang alam, ikaw ang nagbigay ng bagong pag-asa.

pero bakit, tuwing kasama ka, ako'y natatako't nahihiya?
nais kong ipagsigawang, mahal kita,
ngunit ito'y hindi pinapayagan ng mapaglaro na tadhana.
hanggang panaginip na lang ba tayong magmamahalan sa tuwina?

sana giliw, maiparating sa yo ang pag-sintang ibinubulong sa hangin.
sana pagpalain ng langit ang nagmamahal kong damdamin.
sana balang araw, ito'y iyo'y bigyan ng pansin,
upang ang mga pangarap ng pag-irog, hindi mahulog sa bangin.

Tuesday, September 6, 2016
Topic(s) of this poem: unrequited love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success