Sirkulo Ng Buhay Poem by Marites C. Cayetano

Sirkulo Ng Buhay

Sirkulo ng buhay
mula sa lupa
muli'y...
sa lupa.

Ikaw man ngayon
ay nakatira sa malaking bahay
ikaw man ngayon
ay napapalamutian ng mga hiyas sa katawan
ikaw man ngayon
ay nasa pinakamataas na pedestal
ikaw man ngayon
ang kinikilalang pinakamaganda
pinakamatalino
pinakadalubhasa...

Sa sirkulo ng buhay
ikaw ay mananatiling kauri
ng mula sa lupa
muli'y...
sa lupa.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success