Siako Poem by jose de claro

Siako

(jose_de_claro)
25dec’06\8: 23pm


Nakakatawa naming isispin,
Sino ba talaga ang magaling?
Ako ba? Siya? O, ikaw?
Sino nga kaya sa atin?

Sino ngaba ang makakapagsabi,
Na ang hilig ko ay nakakawili?
Na ang trip nya ay dapat na isan’tabi.
At ang gusto nya ay dapat na ipagkandili.

Paano bang siya ay di naaaliw,
Habang ikaw nama’y baliw na baliw.
Ang tugtug ko ba’y tugtug mo din?
Ang indak nya ba’y indak mo rin?

Siya, ikaw, ako-ang tawag sa ati’y tao.
May kanya-kanyang trip, kanya-kanyang gusto.
Bawat isa’y may taglay na kulay,
Pag pinagsama’y gagawa na pansabit sa bahay.

Segi na wag kang mag-alala,
Ana gitara’y patugtugin mo na.
Ating awitin, ginawa kong kanta.
Maglalakbay tayo, ano sama ka?

Dadalhin kita sa aking mundo,
Nang iyong malaman kung sino talaga ako.
Kapit ka lang wag kang bibitiw,
Sa trip na ‘to ako ang tsuper! ! !

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success