Tila ang puso'y nangungulila
sa iyong paglayo sinta,
ngayon ako'y nag-iisa
at laging hinahanap ka
sa alaala nalang kita ginugunita
kasabay nang ating pagsasama
na noo'y kay ligaya
puno ng pag-asa
puso ngayo'y ika'y malayo na,
sa akin ay nawalay pa
kaya sa panaginip na
lang makakasama
at makapiling ka sinta,
puso'y di nawalan ng pag-asa
na muli ika'y magbabalik pa
kaya ako'y maghihintay sayo
ito'y aking pangako
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem