PAG-IBIG;
Hindi basta karamdaman,
Sakripisyong hindi matatawaran,
Hindi lang mamimilipit,
May napaka-pait na hatid,
Saan ka man bumaling sa paligid,
Nahandusay, gapos lubid, naka-bilibid,
Napahimutok, litid may nasaid...
At pag maka-mundo,
Tuluy-tuloy sa impiyerno,
Kakailanganing masugpo,
Kung hindi'y napaka-lagim ng dinudulo..!
PAG-IBIG:
Langit mang nakasara,
Mabubuksan niya,
Puso may anong pinid,
Pagsuyo'y maisisilid,
Wala lang bigat ng pasanin,
Pamanhid sa nasugatang alipin,
Di maalala nilalasang pagkain,
Ga-ampalaya man, nagiging ulyanin,
Walang kadala-dalang bumabangon,
Tanungin mo ang hapdi kung saan naroroon,
Tatawanan ka't wiwikaing, 'MERON bang GANOON..?
Mula sa Diyos ang tunay na Pag-ibig,
Kaya nga dapat na doon nakasandig,
Kung hindi'y kamatayan ang tiyak na sasapit, di makapipilig
Kapag sa MAY-SALANG Pag-ibig, doon MAHIHILIG...
NGAYON PUMILI KA alin po BAGANG PAG-IBIG? ? ?
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem