Sabi Mo Poem by Hazelyn Usop

Sabi Mo

Sabi mo mahal mo pa ako
Bakit sa kanya mo ipinangako and buong buhay mo?
sabi mo walang hanggan ang pag-ibig mo
Bakit kay dali mong naipagpalit ang tulad ko?
sabi mo kailangan mo ako
Bakit siya lang ang katuwang mo
sa bawat pagsubok na hinaharap mo?
sabi mo naaalala mo ako palagi
Bakit siya ang madalas na nasa isip mo?
sabi mo ako ang laman ng puso mo
Bakit hindi mo napadindigan ito?
sabi mo hindi mo kaya ng wala ako
Dibat kaytagal natin nagkalayo at di mo ako hinanap?
Sabi mo pag-aari ko parin ang puso mo
Bakit kay dali sayo ang iwasan ako?
sabi mo ako lang ang kaligayahan mo
Bakit puno ng takot ang dibdib mo pag ako ang kasama mo?
Magpakatotoo kana! Iwanan na natin ang kahapon
Paulit ulit mo lang akong pinapaasa at sinasaktan
Salamat sa lahat at pinapatawad narin kita
Marahil kailangan ko naring makalaya
sa baliw na pag ibig ko sayo
At pahalagaan ang tunay na nagmamahal sa akin
Dahil ‘di na na ako aasa sa mga sinasabi mo….

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success