Sa Iyo Aming Impong Marilag Poem by Randolfh Bunag

Sa Iyo Aming Impong Marilag

Tumugtog ang banda Malabon pula,
at sa saliw ng Ave Maria,
Ang maringal na carrozza ay umuiimbay.
Nagniningning ang liwanag ng araw at buwan
sa iyong mapagpalang paanan,
habang kami ay nagdarasal ng ubod ng taimtim

O Birheng marilag, aming iyong dinggin,
ang aming pagsamo at mga mithiin,
Ang iyong mga matang maawain,
aming mga makasalanang puso ay haplusin
Inang mapagpala sa aming mga tapat na layunin,
Kami ay hindi ninyo bibiguin.

Ang aming pagsinta, sa iyo Santa Maria
sandigan ng pag - asa at tunay na pananampalataya
Ikaw ang aming liwanag kapag ang darating na dilim ay nariyan na
Ikaw ang siyang tala sa isang bagong umaga
Ikaw ang bagong Eba, Ligaya ng bawat isa
Ikaw nga Maria, Ikaw nga ang siyang gabay na tala

Sa iyong walang sawang pagmamahal
Sa iyong mga tulong at gabay,
Sa iyong walang pagiimbot na pag - ibig
Sa iyong pagasagot ng 'Fiat'
Kami ay susunod sa kagustuhan ng iyong anak
Lagi ang aming dalangin sa Iyo aming sinisinta

At sa pagbalik mo sa iyong maringal na trono
Aming bibigkasin ng buong saya at tuwa
Mabuhay ang Impong Marilag!
Mabuhay ang La Purisima Concepcion!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success