Papel Poem by FRAGMENTS AND PIECES

Papel

Isang payak na larawan ng kapakumbabaan
luntian mong puso ay nagsisilbing sandigan
ng bawat pinanghihinaan ng loob at lakas
nakakahanga ang tuwing pagtanggap mo ng wagas
nakikinig sa kahit sinong humihikbi
mabuti ka pa hindi nabibingi
sa bawat sasabihin sayong kwento
minsan paulit-ulit na nga ang tono
ngunit pakikinig mo'y patuloy
walang alinlangan sa lahat ng panaghoy
itinatago mo, lahat ay iniingatan
kahit ang walang kabuluhan ay pinagyayaman
sa bawat pagbukas ng iyong mga palad
bakas ng luha at tuwa ay nakasulat
hinaing ng isip at kaluluwa
pati mga hinagpis at kawalan ng pag-asa
lahat na pati kapirasong kaligayahan
iyong laging pinananabikan.


[naga27espt2001madero]

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success