Paghila Ng Panahon Poem by borgjie distura

Paghila Ng Panahon

Bakit ang bagal ng orasan
Ang pagpalit ng mga buwan
Pwede po bang pakibilisan
Sana'y 'wag ng idahan-dahan

Mga nagdaa'y inuusig
Laman ay puno ng pag-ibig
Mga dibdib ay yumayanig
Pati na ang buong daigdig

Ang yamot ay nais ng wak'san
Ang bukas ay gustong hubaran
Dahil ang buong katunayan
Ang yakap mo'y pinanabikan

Hihilahin na ang panahon
Sa kinabukasa'y tatalon
Nakakabaliw na ang ngayon
'To lang s'yang pagkakataon

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
borgjie distura

borgjie distura

Rizal, Pontevedra, Capiz
Close
Error Success