Masakit Pala Ang Mabait Na Tao Poem by Sirk Ynnoed

Masakit Pala Ang Mabait Na Tao

Masakit pala yung di ka makapag desisyon agad
Pilit mong tinatakpan ng mga rasong lohikal
Ngunit lahat pala ay isang kasinungalingan

Masakit pala yung makita mo siyang masaya
Kasi alam mong may pagtingin pa siya sa dati
Ngunit di mo mang lang nabanggit
Pakiwari isang tangang umaasa sa wala

Masakit pala yung di ka man lang nakita ng isang dahilan
Kung bakit ayaw niyang balikan ang nakaraan
Sana man lang sinabi mo na lang
Kahit masakit, at least di na ako mag iisip
Ganito pala silang manakit, "Ang bait mo kasi."

Wednesday, December 2, 2020
Topic(s) of this poem: reflection
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Sirk Ynnoed

Sirk Ynnoed

Valenzuela, Metro Manila
Close
Error Success