Long Distance Relationship Poem by cosheila bihag

Long Distance Relationship

Rating: 5.0

Hinahanap-hanap kung saan.

Pero hindi kita matatagpuan.

Ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa.

Dahil sa tamang panahon tayo ay magkikita.



Iniisip ko na siguro ay abala ka rin

Na gaya ko, ako'y iyong hahanapin.

Tumingin ako sa salamin, hindi naman ako siguro pangit.

Pero ba't hindi ka nagpakilala?



Ngayon na natagpuan kita,

Hindi naman kita mahawakan.

Ang layo mo kasi.

Napakakomplikado ng ating sitwasyon.

At laging sinasabi na sa tamang panahon na tayo'y magkalapit din.



Araw mo ay gabi ko rito.

Kakagising ko, matutulog ka na.

Paano na tayo ngayon?



Sa tuwing maggoodbye ka sa chat,

Tahimik na nama'ng mundo ko.

Sana malapit ka lang para magkita tayo kahit kailan gusto.



Alam mo ba 'yung damdamin na palaging sabik,

'Yung gusto kitang yakapin habang hinagkan mo'ko,

'Yung nagbubulong ka na I LOVE YOU?



Mahal:

'Yung tamang panahon, kailan nga ba?

Hindi ko rin kasi kaya.

Minsan matakot rin na mawala ka.

At 'yung palaging mag-alala kung kumusta ka na?



Sana kahit gaano katagal ang tamang panahon,

Sana ay matatag pa rin tayo,

At mapatunayan sa mga balakid,

Na hindi kaya tayong paghiwalayin.

Kahit gaano man tayo kalayo,

Matibay pa rin kahit sa likod ng pagkasabik.



Ang pagmamahal ay hindi basihan ang distansya.

Ito'y tungkol sa ating dalawa.

At sana, ikaw right person sa tamang panahon.

Sapat na kasi ang mahal kita.

Kahit long distance ang meron tayo na relasyon.

Thursday, December 17, 2015
Topic(s) of this poem: longing
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
I dedicate this to my special person who is in Barcelona right now.
COMMENTS OF THE POEM
Jesus Diaz Llorico 17 December 2015

beautiful poem, one can feel it comes from the heart....10+

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
cosheila bihag

cosheila bihag

Poblacion, maigo Lanao del Norte
Close
Error Success