Lipad Sa Katahimikan Poem by Jocelyn Dunbar

Lipad Sa Katahimikan

Lipad isip lipad, sa katahimikan nang isipan
Sa kapahingahan ng diwa, sa katauhan, sa damdamin,
Sa puso, at sa ispiritu.

Lipad isip lipad, abutin mo ang katiwasayan
Nang iyong katahimikan at lalim nang iyong kapahingahan,
Sa dagundong ng ingay nang walang hangang karimlan.

Lunurin mo ang iyong isip sa diwa nang katahimikan
Tamasahin ang katiwasayan sa hamon ng buhay.

Ikagalak ang paglalakbay sa kagandahan, kalinisan,
Kabusilakan at kaliwanagan nang katahimikan.

Magpasya ang puso sa kaibuturan at rurok nang damdamin
Sa lakas, sa tibay, sa katinagan at kalayaan nang isip at damdamin.

Maging Malaya, ikagalak ang yaman nang buhay
Sa mabuting isipan, sa mabulaklak na diwa nang pagkatao.

Lipad isip lipad, maglakbay sa dulo nang walang hangan.

© Jocelyn Dunbar
3 April 2010
5: 30 PM

Monday, November 8, 2010
Topic(s) of this poem: verse
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Jocelyn Dunbar

Jocelyn Dunbar

Philippines/Australia
Close
Error Success