Lahat Para Sayo Poem by Hazelyn Usop

Lahat Para Sayo

Napagtanto mo ba irog ko
Na lahat ng ginagawa ko ay para sayo?
Pati kabuoan na mga pangarap ko
Ay naaayon sa ikaliligaya mo

Kung minsay di mo mahintindihan
Paghihigpit kong para sayong kabutihan
At ang pagkaselosa kong laging kinaiinisan
Dahil sa hiyaw ng puso kong ikaw ang may tangan

Bakit ika’y sadyang kay rupok
Sa tukso’y kaydaling malibog
Ang puso koy naninibugho at naghihimotok
Dahil naglaho ang paglingap na iyong inialok

Sa aking dasal ang laging hiling
Pag-iibigan dati walang kasing lalim
Ay magbalik nang walang pag – aalanganin
Dahil ang paglisan mo’y hindi ko kayang tanggapin

Maging anumang paghihirap ay handa kong harapin
Gitna ng giyera ay walang patumpik-tumpik kung susuugin
Di rin mag aatubiling tanggapin ang mga pasakit na dadanasin
Kung ang kapalit ay ang pag ibig mong akin hanggang libing

Mahal iyong pakatandaan
Katagang aking bibitiwan
Habang buhay kitang paglilingkuran
Lahat para sayo, aking kamahalan

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success