Kanino Nga Bang Kwento? Poem by DL Mondays

Kanino Nga Bang Kwento?

Nakikilala mo ako,
Pagkat ika'y ako.
Buhay ko'y iyong anino
Salamin ng iyong mundo

Sa akin ang panulat
ngunit sa akin ay gumalat
mga letrang naisulat
naging iyong aklat

Dusa mo'y aking pasakit
ligaya ko'y iyong saya
sayong bulong ako'y lalapit
sa aking sigaw, naasan ka kaya?

Ako ay lagi mong kasama
bagamat ako'y nag iisa
Ika'y di mag laho sa aking mga mata
ngunit ako'y di mo nakikita

Ako'y di mo nakikilala
dahil ako'y sino na nga ba?
nag tatanong, nangangamba.
Ang kwentong to kanino nga ba?

Saturday, July 25, 2015
Topic(s) of this poem: life
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success