I Am Poem by Mayjorey Dellosa Buendia

I Am



Ako’y isang kuneho, maamong tingnan
Malaki ang mata, balat ko’y makinang
Tahimik, makulit…minsan pa’y masungit
Ngunit may mga ngiting lubhang mapang-akit.

Mataas mang tumalon isang tulad ko
Nananatiling simple, sadyang totoo
Mailap, mahiyain sa estranghero
Masayahi’t malambing pag napaamo.

Inosenteng mukha, may kubling misteryo
Lalim ng isipa’y singlapad ng noo
Di nyo pa kilala ang tunay na ako
Pagka’t nakatago sa salaming bato.

Ako’y isang kuneho, kaibigang tunay
Busilak ang puso, magmahal ay dalisay
Sa malawak na parang, puno ng buhay
Malungkot mong puso ating bigyang kulay.

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
Yups…all about me *well, almost*
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success