Hudyat Ng Tagsibol (A Beautiful Creation) Poem by Marites C. Cayetano

Hudyat Ng Tagsibol (A Beautiful Creation)

Kahapon lang,
katawa'y di maituwid
sa paglakad
katawa'y binaluktot
ng sobrang lamig.

Kahapon lang,
kinabukasan ay inalala,
sa di tiyak na patutunguhan
puso'y binalot ng pangamba.

Subalit sa hardin
isang sibol ang natagpuan
na di magtatagal
ay tiyak na magiging
isang kaaya-ayang bulaklak.

Ah, munting sibol
tamang tama ang iyong paglitaw
sa aki'y
iyong muling pinaalala
tulad mo rin
kung sa lupit ng panahon
ay magpakatatag
ako man sa mundo
ay magiging kaaya-ayang
lalang ng Poon.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success