Himas Poem by Gianni Pansensoy

Himas



Bago pa man mag hilamos,
balahibo ni tandang ang hinihimas,
bahala na kung si bunso'y walang makakain,
basta si tandang ay may tutukain.

Sikat ng araw ay tirik na,
si tandang pa rin ang kinakasama,
samantalang sakaha'y tumitigang,
sige lang basta si tandang ay may maiinom lang.

buong taong ipon, isinugal sa sabungan,
baka sa silong doon, nakipag -sapalaran,
bale isang palo lang, natagpuan ni tandang ang kamatayan,
bulagta, kaya'y pamilya mo'y lalong pumapait ang kapalaran.

Sa gilingan ng bigas ay muling umutang,
samantalang tubo'y sintayog ng ulap ang lutang,
sa susunod na anihan, kita'y malilimas,
sigurado na ika'y wala ng mahihimas.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success