Hiling Ng Mandirigma Poem by FRAGMENTS AND PIECES

Hiling Ng Mandirigma

Sa aking pgkatao'y dumaan din ang unos
gumuho ang talampas na sya kong tanging kapatagan
at bumuhos ang lupit at pait ng karimlan
dumaloy ang kadiliman
pero ito pa rin ako
patuloy na nagbabakaskali lumalaban naghahangad magwagi
at ang tanging nakakalam ng hantungang laan
sa aking kapalaran ay ang tinatawag na bathala ng lupa at kalawakan
sa laban ng buhay, sana'y may matirang kasangga
kung ako ay tamaan ng patalim na di ko na mailagan
may malakas na loob sanang magsabi ng kunting panalangin
bago ako lumisan at pagsaluhan ng kawalan.

13sept2011maderonaga

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success