Narito ka't nagmumuni na naman
sayong sinapit ng ika'y tinalikuran
ng buksan mo ang aklat ng iyong damdamin
na sa kanya'y nagdolot ng asim
nakabuo na muli ng bagong talata
munting kaisipan ay ginawang paksa
maihayag lamang ang kinikimkim
na lungkot sa puso't damdamin
hanggan kilan ba ika'y maaanod
at makalayo sa bunganga ng pagkalunod
kilan nga ba tuloyang makakalayo
at huminto na sa pagsusumamo
ika'y naging hamak na makata
ngunit walang ni kunting tagahanga
subalit patuloy kang humahangad
na mapansin lang sa iyong pagtawag
sana'y matanggap mo ng talaga
ang katutuhanan sa iyong sinisinta
ang kanyang pag-ibig ay sadyang di sayo laan
pagkamakata mo'y dapat mo ng talikuran.
(madero/23august2011naga)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem