Ating Mundo Poem by G.A. Meyers

Ating Mundo

Ating mundo ay dapat alagaan
Para gumanda ang ating kinabukasan
Sa lahat ng tao sa ating mundo
Nagkakaroon tayo ng maraming gulo

Iisa lamang ang ating mundo
Kaya dapat tayo ay magkasundu-sundo
Lahat ng tao ay nag-aaway
Pati na rin may namamatay

Magtanim na tayo ng mga halaman
Para gumanda ang ating kalikasan
Pantay-pantay lang tayong lahat
Tumulong na rin tayo sa paglinis ng dagat

Tuturuan tayo ng mga guro
Para sa kabutihan ng ating mundo
Lahat-lahat ay maghawak kamay
Upang lahat tayo ay magtagumpay

Saturday, July 28, 2012
Topic(s) of this poem: earth,environment
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
G.A. Meyers

G.A. Meyers

Manila, Philippines
Close
Error Success