Ako Ay Kawal Ng Kapalaran (I Am A Soldier Of Fortune) Poem by Catherine Agunat

Ako Ay Kawal Ng Kapalaran (I Am A Soldier Of Fortune)

Ako ay kawal ng kapalaran
Parehong sa panaginip at katotohanan
Salat man sa salita subalit sa gawa ay sagana
Wangis ko ay isang magilas na mandirigma

Sa mga adhikain ay may matibay na paninindigan
Matarik o malubak man ang dadaanan
May katapatan sa mga pananaw sa buhay
Pagkat Dakilang Lumikha ang aking gabay

Layunin ko'y talunin ang kapangyarihan ng inggitan
Nang maibagsak papel ng kasakiman at kapalaluan
Kaluluwa ng pagkamataas ay aking dudurugin
Nang maipunla binhi ng pagmamahal at pagkamahabagin

Ako ay isang kawal ng kapalaran
Pinagkalooban ng sapat na kakayahan
Sarili kong emosyon ay aking pananagutan
Tagapangasiwa sa linalaman ng puso't isipan

Hindi kailanman patitinag sa anumang kabiguan
Kung babagsak man, muling tatayo at lalaban
Mga sigwa sa buhay ay di susukuan
Pagkat ako'y isinilang para lasapin ang katagumpayan!

Ako ay kawal ng kapalaran.

COMMENTS OF THE POEM
Gajanan Mishra 28 April 2013

I am a soldier of fortune. I know this much only. Rest I need not.

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success