Darating ang panahon
Ako ay tatanda rin
Magiging salat
Mangungulubot ang balat
Ako ay may mga nais
Pag iyong panahon nangyari na
Mahalin lang ako ng labis
Katulad ng kanina
Ako ay pagtyagaan
Kung sa paglakad ay mabagal na
Wag mo rin sanang sisigawan
Kapag me sinasabi ka
Bigyan ako ng pang-unawa
Kung mareklamo na
Pati sa pagiging malilimutin
Bigyan ng pasensya
Akin pa ring baon-baon
Mga panahon na kay saya
Magagandang larawan at karanasan
Ay nasa isipan pa
Sa tingin ko ako ay tatanda
Ng may ngiti sa labi
Sapagkat ikaw ay naging bahagi
Ng buhay kong minithi.
Copyright © Grace Svensson
February 9,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem