Tanging pagsulyap at tahimik na paghanga
Dahil hindi kita abot
Malayang masusulyapan
Hindi mali ang hangaan
Ngunit di maaring angkinin
Sa pagsapit ng gabi akin na lamang hihintayin
Ikaw na tinatangi
Na sa rami ng maningning sa kalangitan
Ang iyong liwanag ang paboritong masdan
Sa iyo nga kaya'y maaring makalapit,
O sa imahinasyon na lamang sa t'wing mata'y pipikit?
Aking naiisip sa t'wing ika'y minamasdan,
Nakikita mo rin kaya ako kahit minsan lang?
Siguradong hindi.
Dahil maraming humahanga sa'yo
At mayroon ka ring hinihintay
Ang nagbibigay sa'yo ng liwanag - si Araw.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem