! ! ! Uling Sa Kalam Ng Sikmura Poem by Inner Whispers

! ! ! Uling Sa Kalam Ng Sikmura

Takure.

Mainit na tubig.

Kape.

kinanaw sa ulingang takure
lasa ba'y garantisadong swabe?

Nilingon ko ang paligid...
sa gitna ng taniman ng Ipil,
hayun at may nakasalang
na ulingang takure.

Pinapaypayan
pagkaminsan ng ale
upang magningas ang apoy.

Papaano mo pagniningasin
ang apoy
kung kulang sa panggatong?

Parang senaryo lang yan
sa pulitika
O maging sa mayayaman
o mahihirap na antas...

NINGAS AY NAG-AAPOY
SA TINDI NG GATONG
AT PANGANGAILANGAN.

pagsisikap

katamaran

pangungurakot

paghihirap

paninira

awa sa sarili

pagmamalaki

pagkasuklam

pananamantala

pagnanakaw

pagkagahaman

inggit

poot

ilusyon

kawalang pag-asa

pangungutya

pagmamataas

pagkamakasarili


pakikipaglaban

atbp.

Lahat ng ito
ay dala ng
ULING sa KALAM ng SIKMURA.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success