Ulan Poem by Jesus Diaz Llorico

Ulan



'Isang karanasan ang aking naalala
Noong araw ng ako ay nag aaral pa
Isang hapon noon sa aming eskwela
Nang ang buong klase ay pauwi na

Habang palabas ng aming eskwelahan
Biglang bumuhos ang malakas na ulan
Kaya napilitan sa 'gate' umistambay
Sa pagtila ng ulan doon na maghintay

At ang ganda nya doon ko nasilayan
Mga mata na sadyang nakakahalina
Ngiti na tunay at talagang masigla
Namumulang labi at kutis na kaaya aya

Subalit sa tagal ng malakas na ulan
Ay nagpasyang maglakad na lamang
Doon siya ngumiti at ako ay niyaya
Na kami'y sumukob sa payong na dala

Ang pagyaya niya, hindi mapaniwalaan
At suwerteng bigay ng malakas na ulan
Sa ganda ng ngiti nya'y tila kinabahan
At mga tinig na kay sarap pakinggan

Sa aming paglakad sa maikling daanan
Hindi makapagsalita napipi ng tuluyan
At ng makarating sa kanto ng tindahan
Walang magawa kundi manghinayang

Ang tanging nagawa ay siya'y alalayan
Pagsakay ng 'jeep' pauwi sa bahay
Siya'y naiiling sa kanyang kinaupuan
At ito lahat ay aking naintindihan

Isang karanasan hindi na malimutan
Sa pangkaraniwang araw sa eskwelahan
Isang tulang sinulat at pinagpuyatan
Habang walang tigil ang patak ng ulan.'

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success