Tulad` Poem by Ocean MisT

Tulad`

Tulad ng daloy ng ilog
Sa ‘di napupunong dagat

Tulad ng malayang paglanghap
Sa hanging walang wakas

Tulad ng buhos ng ulan
Sa patak na walang bilang

Tulad ng munting sanggol na
Iniuugoy ng duyan

Tulad ng bangkang matibay
Sa mababangis na alon

Tulad ng pagkamahinahon
Sa poot ng panahon

Tulad ng banayad na tubig
Sa tuyong lalamunan

Tulad ng payapang pahinga
Sa pagal na katawan

Tulad ng maningning bituin
Sa pusikit na dilim

Tulad ng mga munting inakay
Sa pugad ng lilim

Tulad ng aking damdamin
Na may nais ipabatid

Ang mga lulan nito ay
Inihahandog kong pag-ibig.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success