Tan Poem by Captain Herbert Poetry

Tan

Hindi agad natin nakikita kung mayroon tayo nito
Mismo sa ating mga mata’y natatakpan natin
at binabalewala
Maraming na nagsasabi ng balita’y hindi pa rin
pinapakinggan
Sa unang pakiramdam palang ay may mali na
subalit labas pasok lang sa pusong bingi

May patagong sinusuyo na nga siya ay hindi ka pa rin
maniwala
Nakitang na ngang may kasama at magkahawak kamay
ay tinatanggap pa rin ang sinungaling dahilan
Ngayo’y iniwan na dahil ipinagpalit sa iba at hindi matanggap sa mga nagawa niyang kalokohan
na ngayon lamang bumukas ang isip
Minsan, kapag napana tayo o dumating at nahulog sa pag-ibig ay nagiging TANga na ako.

Tan
Saturday, September 5, 2015
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success