Taho Poem by Marites C. Cayetano

Taho



Tahooo! ! !

Tuwing umaga
ito ang gumigising
sa mga batang
kay hirap gisingin
pag araw ng Sabado
at Linggo.

Ang magtataho,
laging nakangiti
at laging
naglalagay ng dagdag
sa bawat tasa
ng mga batang
laging sabik
makakain ng taho.

Taho,
gusto ko rin ito
bukod sa masarap na
ay masustansiya pa.

Subalit,
ilang sabado na ang nagdaan
ang sigaw
ng binatang nagtataho
ay hindi ko na narinig.

Aah, oo nga,
siya pala'y lumipad na
patungo sa Singapore
suwerte niya at malaki
ang kikitain niya doon.

Taho,
sayang naman,
hindi ko na natikman
at ang mga bata....
ngayon ay kay hirap gisingin
pag araw ng Sabado
at Linggo.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success