'Sumisilang, Ipagdiwang..! ' Poem by Enrico Morilla

'Sumisilang, Ipagdiwang..! '

Rating: 3.0


Foretell ang isang panganganak
Kakaibang-kakaiba sapagkat dito lamang nasusulat
Isang sanggol ang iluluwal, na ni sa hinagap
Hindi aasahang Maginoo ang hihinga ng malalim, sisinghap-singhap
Bubuga, nakakita ka na ba ng gayon? ? ?
Kung ganoon abangan mo pa ang iba pang revelation...

Ito ang dahilan kung bakit nagdaranas
Ng kung anu-ano, ang Pahinang sinta'y Pilipinas
Naglalabor na nga siya, kaya mga daing puro anas
Ang inyong naririnig sa bawat araw na lumipas......

Sa pagluwal nitong supling
Sa mga makatang piling
Anong sigla nitong tatay
Na dumaan sa matagisang lumbay...

Ipagbunyi ang layunin..!
Tingnan ninyo't paparating
Parangal ng sandaigdgan
Magsitiyaga't mamamasdan...
At kung ito nga ay sumilang
Tayong lahat aaruga
Ipagheheleng walang sawa
Gagatas siya, lalo na sa nakatatanda
Ito nama'y wag po ninyong ikabahala
Marapat lamang sapagkat mga senyor, ay punong-puno ng unawa...

Mula ito sa LUMIKHA
Dito lamang nagsimula
Hindi nagkataon, ito'y SINASADYA
Upang DANGAL ng ating LAHI'y, LALONG KILALANIN ng buong LUPA..!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success