Sulyap Poem by Gianni Pansensoy

Sulyap

Sa isang sulok ng madilim na eskinatng makitid,
silakbo ng paghihintay ay umiinit ng di mo batid,
sana'y masilayan ka't sa aking labi'y ngiti ang hatid,
sana'y habambuhay tayong maigapos ng lubid.

Uma-ambon na't tila'y ayaw mong dumating,
umapaw man ang tubig sa kanal, wala akong daing,
umaraw naman sana't makita ka, tangi kong hiling,
ubos na rin ang mga sigarilyo, sa wari ko'y hindi ka darating.

Daho'y nilipad ng humuhuning hangin,
dumadaplis sa aking noo, parang mga bituin,
dumadapo sa tenga't tila'y may hinahabilin,
dahan-daha'y uuwi na nga at bitin na bitin.

Tuesday, December 17, 2013
Topic(s) of this poem: love
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success