Salabay Poem by Captain Herbert Poetry

Salabay

SALABAY

Pinagaan mo aking kalooban sa aking kabigatan
Lumuwag aking pakramdam sa piling mo
Dahil sayo’y kayang harapin ang daloy ng buhay
Naniniwala ka sa akin na aking kakayanin ang mga pagsubok.

Pinahalagahan mo aking mga nararamdaman
Pinabatid mo sa akin ang tamang pag-ibig
Ginagabay mo ako sa aking unti-unting pagbangon
Walang mga pasakit at walang pagtitiis na ipinadama sa piling mo.

Alalay kita sa pagbibigay ng lakas loob sa akin
Aking pangit na kahapon ay naging magandang bukas sa iyo
Punong-puno ng kalungkutan noon, ngayo’y umaapaw sa ligaya
Mapait na luha’y pinalitan mo ng matamis na pagmamahal

O, anong saya, ligaya at ngiti na makalaya sa gapos at selda
Sa tapat na pag-ibig mo’y naglaho ang dating masalimuot
Lubos-lubos ang iyong pagmamahal na minsan ko lang naranasan
Maraming salamat, nakatagpo ang aking puso na tulad mo na nagSALABAY sa akin na parang prinsesa sa hardin nating dalawa.




Based from a love letter of Alpha to her beloved

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success