Sakla, Sakali At Saklap Poem by Gianni Pansensoy

Sakla, Sakali At Saklap

Tanghaling tapat sa talipapa,
tlangkang paninda ni aling Maria,
talbos ng mga kamote rin ay ubos na,
tantiya'y isang libo ang benta,
tanghalia'y nakalimutan din at umuwi na.

Ngunit, imbes sa bahay dumiretso ay sa saklaan nawili,
ngiti ng bawat baraha, pagod niya'y lubusang napawi,
nagparaos ngunit ay nasayang ang mga sandali,
naubos din pati puhunan, kaya'y nagsi-sisi,
ni isang piso'y walang natira, biguang umuwi.

Kanyang nadatnan, anak na dilat ang mga mata,
kalam ng sikmura ay ulirat ang nawawala,
kaya ay sa turko muling kumapit, desperada,
kakarampot na kita ay nahigp ng interes, mapagsamantala,
kaya ay gutom pa rin ang patutunguhan niya.

Sa hanay ng mga aktibista ay sumali,
sa pamahalaan ibinato ang lahat ng sisi,
sa imperyalismo, kahirapan ay isini-sisi,
sa mga turko, kawalan ay isini-sisi,
sa saklaan pa rin naman siya nawiwili.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success