Sakaling Walang Bukas Poem by MELVIN BANGGOLLAY

Sakaling Walang Bukas

SAKALING WALANG BUKAS
Melvin Banggollay


Ang buhay nati'y parang kandilang nauupus
Nasa bawat pagpatak ng luha'y nauubus
Ang liwanag na kayang kaya na igapus
ang kadiliman ng buhay kahit na may unus
Lalo na pag ang bawat Luha'y alay sa Diyos.

Kaya kung anu man ang puede nating gawin
Upang ang liwanang ng buhay ay may lalim
Na kayang tatagus kahit sa pusong maitim
ay ating gawin kasama ang taimtim na dalangin
Na sana'y buhay nati'y maging isang salamin.

At habang may buhay pa'y mahalin ang Diyos
Kahit na kung minsa'y buhay nati'y puno ng unos
Na hatid sa ati'y walang katapusang pagkagapus
Sa sakit at pait ng mga pagsubok na umuubus
sa ating mga yamang biyaya sa atin ng Diyos.

Mahalin lagi ang ating pamilya ng buong pagtingin
Na walang pagiimbot bagkus laging idalangin
Na sa bawat pagdating ng bukas ay buo pa rin
ang pagmamahal sa isa't isa kahit minsa'y may dilim
pagkat di natin alam kung may bukas pang sisilipin

Huwag mag-atubling ipakita at sadyang ibuhos
Ang pagkalinga sa minamahal na bigay ng Diyos
Sa bawat araw habang buhay natin di pa tapos
Para kahit sakaling walang bukas na bubuhos
Nagmahal tayo ng tunay sa ating kapwa't Diyos.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
MELVIN BANGGOLLAY

MELVIN BANGGOLLAY

Natonin, Mountain Province, Philippines
Close
Error Success